Bagamat nakaligtas sa parusang bitay dahil sa anti-death penalty law, inatasan kahapon ng Korte Suprema na huwag pagkalooban ng parole o pardon ang dalawang ama na napatunayang humalay sa kanilang mga anak na menor-de-edad.
Sa desisyon ni Justice Presbitero Velasco Jr., ibinasura nito ang apela at depensa ng akusadong si Florante Ela. Mas binigyan ng merito ng Korte ang testimonya ng biktimang si Arlene (’di-tunay na pangalan) na paulit-ulit siyang ginahasa ni Ela bago pa sumapit ang Abril 14,1997.
Binalewala din ng SC ang depensa ng akusadong si Carmelito Lawrence Capwa na kaya siya kinasuhan ng kanyang 15 anyos na anak ay dahil pinagalitan niya ito matapos na hindi sumunod sa kanyang utos na makipaghiwalay sa kanyang boyfriend.
Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo, ang dalawang akusado ay inatasan ding magbayad ng 175,000 para danyos sa kanilang mga biktima. (Gemma Amargo-Garcia)