^

Probinsiya

2 rapist na ama ’wag bigyan ng pardon – SC

-

Bagamat nakaligtas sa pa­rusang bitay dahil sa anti-death penalty law, inatasan kahapon ng Korte Suprema na huwag pagkalooban ng parole o pardon ang dalawang ama na napatu­nayang humalay sa kanilang mga anak na menor-de-edad.

Sa desisyon ni Justice Pres­bitero Velasco Jr., ibinasura nito ang apela at depensa ng akusa­dong si Florante Ela. Mas binig­yan ng merito ng Korte ang testi­monya ng bikti­mang si Arlene (’di-tunay na pangalan) na pa­ulit-ulit siyang ginahasa ni Ela bago pa sumapit ang Abril 14,1997.

Binalewala din ng SC ang de­pensa ng akusadong si Car­me­lito Lawrence Capwa na kaya siya kinasuhan ng kan­yang 15 anyos na anak ay dahil pinaga­li­tan niya ito matapos na hindi su­munod sa kanyang utos na ma­kipaghiwalay sa kanyang boy­friend.

Bukod sa habambuhay na pag­kabilanggo, ang dalawang akusado ay inatasan ding mag­bayad ng 175,000 para danyos sa kanilang mga biktima. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ABRIL

ARLENE

FLORANTE ELA

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUSTICE PRES

KORTE SUPREMA

LAWRENCE CAPWA

SHY

VELASCO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with