^

Probinsiya

Dahil mag-aasawa na: Ate tinodas ni utol

- Antonieta Lopez -

Bacolod City — Dahil umano sa pani­ni­bugho,  pinagsasaksak ng 22 anyos na si Tony Ricaplaza ang kapatid niyang overseas Filipino worker na si Marilyn, 33, at ang nobyo nitong si Ricky Decena, 23, noong Enero 1 sa Barangay Maricalum, Sipalay City, Negros Occidental.

Sinasabi ni Police Superintendent Jomil John Trio sa naantalang ulat na hindi nan­laban ang suspek nang arestuhin ito ng pulisya.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang itak at karit na ginamit sa pamamaslang.

Lumilitaw sa imbestigasyon na dinadalaw lang ni Decena si Marilyn na kasalukuyan lang nagbabakasyon sa Pilipinas nang paslangin sila ng batang Ricaplaza.

Naninibugho umano ang suspek kay Decena na isang lineman sa Negros Occidental Electric Cooperative at nagyaya nang pakasalan ang kanyang kapatid. 

Hinihinalang kinakabahan ang suspek na mawawalan na ng magsusustento sa  kani­lang pamilya sa oras na mag-asawa ang kanyang ate.

vuukle comment

BACOLOD CITY

BARANGAY MARICALUM

DECENA

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL ELECTRIC COOPERATIVE

POLICE SUPERINTENDENT JOMIL JOHN TRIO

RICKY DECENA

SIPALAY CITY

TONY RICAPLAZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with