2 trader inambus, kritikal

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dalawang ne­gosyanteng Bumbay ang iniulat na malubhang na­sugatan makaraang pag­babarilin ng dalawang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo habang sina­salubong ang unang araw ng Bagong Taon sa Ca­lamba City, Laguna.

Kinilala ni P/Supt. Ro­land Bustos, Calamba police chief, ang mga bikti­mang sina Marlyn Singh, 33; at ang bayaw nitong si Gurmit Singh, 38, kapwa residente ng Acacia Street, Lakeview Subdivision sa Barangay Bucal sa nasa­bing lungsod.

Ayon sa ulat, madaling-araw ng Enero 1, masa­yang nagpapaputok ng firecrackers ang mga biktima sa harap ng kanilang bahay nang bigla na lang du­mating at nagpaputok ng baril ang dalawang suspek sakay ng  motorsiklo.

Sapol ng bala sa kali­wang balikat, tiyan at ka­li­wang hita si Marlyn, saman­talang ti­ namaan naman sa tagiliran ng katawan si Gurmit.

Matapos ang pama­maril, mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa ‘di-pa malamang direk­syon samantalang isinugod na­man ang mga biktima sa Jose Rizal Memorial Hospital at dahil sa maselang kalagayan ay inilipat sa Philippine General Hospital.

Pinaniniwalaan namang ang pagtatangka sa buhay ng dalawa ay may kinala­man sa pagtestigo ng ba­bae laban sa mga suspek sa kaso ng robbery /holdup laban sa kaniyang asa­wang isa ring negos­yan­teng Bumbay. Arnell Ozaeta at Joy Cantos

Show comments