^

Probinsiya

Ari ni mister, pinutol ni misis

- Joy Cantos -

Isang mister na umano’y sadista sa kanyang misis at babaero ang pinutulan ng ari sa Ormoc City, Leyte ka­makalawa.

Sinabi ng Ormoc Police na, dahil sa matinding ka­hihiyan, ipinatago muna ang pangalan ng biktima na nag­papagaling sa isang paga­mutan.

Ang nasabing mister ay nagtatrabaho bilang driver ng isang kilalang kum­panya sa lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang misis ng suspek na mabilis na tumakas mata­pos ang insidente.

Base sa inisyal na im­bestigasyon, labis uma­nong nagtanim ng galit ang ginang sa kaniyang mister dahil, bukod sa kaliwa’t-kanang pambabae nito, binubugbog ng biktima ang suspek tuwing siya ay nalalasing.

Kamakalawa, sa pagi­tan ng alas-10:00 hang­gang alas-11:00 ng gabi, naka­kuha ng pagkakataon ang ginang at pinutulan ng ari ang kaniyang lasing na mister habang mahimbing na natutulog ito sa loob ng kanilang silid sa Barangay Nuangan ng nasabing lungsod.

Bago ito ay muli uma­nong ginulpi ng biktima ang kaniyang misis nang umuwi ito sa kanilang tahanan.

Nabatid na madalas ring magtalo ang mag-asawa dahilan sa pambabae ng suspek na sa tuwing uusi­sain ng kaniyang misis kung bakit inuubos ang pera sa kaniyang mga kulasisi ay bugbog sarado ang ginang.

Ayon sa mga doktor, nagawa pa nilang maibalik ang ari ng lalaki ngunit hindi nila matiyak kung magka­karoon pa ito ng erection.

vuukle comment

AYON

BARANGAY NUANGAN

ISANG

KAMAKALAWA

ORMOC POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with