^

Probinsiya

3 ‘killer’ ni Ernest Santiago, tiklo

-

CAMP VICETNE LIM, Laguna – Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong kalalakihang isinasangkot sa pagpatay sa top fashion designer na si Ernest San­tiago sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa bayan ng Pagsanjan, Laguna at Makati City noong Martes ng gabi.

Kabilang sa mga  sus­pek na iniimbestigahan ay sina Zosimo Ragaza, har­dinero ng 17-taon ni San­tiago; Alex Mosende, 28-taong kasosyo sa negosyo ng biktima; at Anjo Luces, sekretaryo naman ng bik­tima sa loob ng 8-taon.

Ayon kay P/Senior  Supt. Felipe Rojas Jr., Laguna police director, na­aresto si Ragaza sa kan­yang bahay sa Barangay Mulawin, Pagsanjan, Laguna noong Martes ng hapon at itinuro naman ang dalawang kasabwat na sina Mosende at Luces.

Naaresto sina Mosende at Luces nang masundan ng pulisya sa lamay ni Santiago sa Sanctuario de San Antonio, Forbes Park Subdivision sa Makati City noong Martes ng gabi.

Matatandaang patay na ng matagpuan ang kilalang fashion designer at Coco Banana founder noong dekada-70 matapos pasla­ngin sa loob ng kanyang bahay sa Rizal St. Ba­rangay 2 Pagsanjan, Laguna noong Sabado ng gabi.

Ayon  sa  ulat, nadis­kubre ng stay-out house cleaner na si Paulo Her­rera, ang bangkay ng kanyang among si San­tiago ban­dang alas-10 ng umaga kaya kaagad nitong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima matapos paluin ng dumbbell.

 Matapos ang tatlong araw, natagpuan ang aban­donadong sasakyang Mi­tsubishi Strada 2007 (VCS-530) ni Santiago sa bayan ng Infanta, Quezon.

Samantala, pansaman­talang pinalaya sina Mo­sendo at Luces  para sa preliminary investigation at pinagsusumite sila ng counter-affidavit ng pis­kalya sa loob ng sampung araw.

Itinanggi naman ng da­lawa ang akusasyon ng mga awtoridad na sangkot sila sa pagpatay kay San­tiago. (Dagdag ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

 

 

vuukle comment

ALEX MOSENDE

ANJO LUCES

MAKATI CITY

PAGSANJAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with