NPA ambush: 3 Marines tumba

Tatlong sundalo ng Philippine Marines ang iniulat na napatay maka­raang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Barangay Binga, San Vicente, Pa­lawan kahapon ng uma­ga.

Ipapaalam muna sa pa­milya ng mga sunda­long napatay bago ipub­liko ang pagkikilanlan ng tatlo, ayon sa mga opis­yal ng West Command.

Ayon sa ulat, patu­ngo sa palengke ang mga biktima bandang alas-7 ng umaga nang magsi­mulang umali­ngaw­ngaw ang sunud-sunod na pu­tok ng baril mula sa mga rebeldeng nakaposis­yon.

Kaagad naman nag­silikas ang mga resi­den­te para umiwas sa uma­atikabong bakba­kan na tumagal hang­gang alas-10 ng umaga kahapon.

Napag-alamang may napaulat na nasu­gatang mag-asawa sa naganap na sagupaan ng tropa ng military at re­beldeng NPA sa nasa­bing lugar na may li­mang oras ang biyahe mula sa Puerto Prin­cesa City, Palawan.

Nabatid na nilabag ng mga rebelde ang pinairal kahapon na suspension of the military operation (SOMO)

Show comments