^

Probinsiya

Ex-chief ng CSU itinumba

-

LEGAZPI CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang dating hepe ng Civil Security Unit ng mga di-kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Nasisi sa Ligao City, Albay kahapon ng tanghali. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Expedito Ribayan, ayon sa pulisya. Napag-alamang papauwi na ang biktimang sakay ng motorsiklo mula sa bayan ng Tabaco nang harangin at ratratin ng mga armadong kalalakihan. Sinisilip ng mga imbestigador kung may kinalaman ang dating trabaho ng biktima sa pamamaslang. Ed Casulla

Mag-asawang trader dinedo

Kumpirmadong nasawi ang mag-asawang negos­yante habang isa pa ang nasugatan makaraang ratratin ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng  mga biktima sa Barangay Kawah-Kawah sa bayan ng Languyan, Tawi-Tawi, kamakalawa. Sa ulat na isinumite ni P/Chief Supt. Joel Goltiao, ARMM police director sa Camp Crame, naitala ang krimen pasado alas-12 ng madaling-araw. Isa sa dalawang napaslang ay si Sitti Lakibul habang malubhang nasugatan si Hajji Raya Mating. Nakilala naman ang isa sa mga suspek na si Bading Hassan na pinaniniwalaang lider ng grupo na namaril sa mga biktima. Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa negosyo ang pamamaslang sa mag-asawa habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. Joy Cantos

P6-M ari-arian naabo

Umaabot sa P 6-milyong ari-arian ang iniulat na  tinupok ng apoy sa naganap na malawakang sunog sa bayan ng Miag-ao, Iloilo, kamakalawa ng madaling-araw. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sunog sa compound na pag-aari ng pamilya Octaviano sa kahabaan ng Peñaranda Street bandang alauna ng madaling-araw. Kabilang din sa mga ari-ariang nilamon ng apoy ay  ang walong tindahan, barber shop, hardware, electrical shop, internet station, isang eatery at isang convenience store. Wala namang  iniulat na nasugatan o nasawi sa insidente habang patuloy ang imbestigasyon. Joy Cantos

100 motorsiklo  kinumpiska

KIDAPAWAN CITY – Aabot sa 100-motorsiklo na pinani­niwalaangt walang papeles at walang mga plaka ang kinumpiska ng Cotabato Provincial Police Office at ng Task Force Cotabato  sa isinagawang operasyon sa Kidapawan City kahapon. Ayon kay P/Chief Insp. Leo Ajero, hepe ng Kidapawan City PNP, bahagi ng “Oplan Lambat Bitag” ng Cotabato Provincial Police Office, katuwang ang militar, na kuwestyunin ang mga motorsiklong walang plaka, expired ang mga rehistro, walang official receipt at certificate of registration (OR-CR). Ayon kay Ajero, marami sa mga motorsiklo ang ginagamit sa iba’t ibang uri ng krimen, tulad ng holdup, robbery, celfon snatching, at pagpatay. Ito na ang ikalawang operasyon laban sa mga may-ari ng motorsiklong walang dokumento na nagawa ng PNP nitong Disyembre.Noong nakaraang linggo, tatlong motorista ang nasabat ng Task Force Cotabato dahil sa pag-iingat ng illegal na armas. Malu Cadelina Manar

COTABATO PROVINCIAL POLICE OFFICE

JOY CANTOS

KIDAPAWAN CITY

TASK FORCE COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with