^

Probinsiya

2 pulis sa kidnapping sumuko

-

ZAMBALES – Sumuko na sa mga awtoridad ang dalawang pulis na miyembro ng 315th Provincial Mobile Group na pinaniniwalaang sangkot sa pagpaslang sa isang sibilyan at pagdukot sa dalawang iba pa noong Huwebes ng gabi sa Ba­rangay Calapacuan, Subic, Zambales. Pormal na inihatid kahapon ni P/ Insp. Jelson Dayupay sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Subic, ang dalawang suspek na sina PO1 Mohadjar Tutuh at PO1 Rogeric Antolin. Sina Tutuh at Antolin ay itinutu­rong bumaril at nakapatay kay Randy Vitug at pagdukot kina Joselito Camales, 46, ng Purok 4, Barangay Calapacuan at sa isa pang lalaki. Base sa ulat ng Zambales Provincial Police Office, ang dalawang suspek  ay nagsagawa ng operasyon sa bilyaran na pag-aari ng pamilya Camales dahil sa paniniwalang bentahan ng droga. Ayon pa sa ulat, isa sa pinuntirya ng mga suspek si Vitug base na rin sa pahayag ng mga nakasaksi. Kinuwestiyon naman ng pulis-Subic ang operasyon ng dalawang pulis kung ito ay lehitimong drug-bust operation dahil walang ginawang koordinasyon sa kanilang presinto. Jeff Tombado

vuukle comment

BARANGAY CALAPACUAN

JEFF TOMBADO

JELSON DAYUPAY

JOSELITO CAMALES

MOHADJAR TUTUH

PROVINCIAL MOBILE GROUP

RANDY VITUG

ROGERIC ANTOLIN

SINA TUTUH

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with