Binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin ang vice mayor ng Dimasalang, Masbate na si Regolo Moran sa loob ng opisina nito kahapon.
Nasugatan naman makaraang pagbabarilin din ng suspek ang dalawang empleyado sa munisipyo ng Dimasalang.
Sinasabi sa pangunang ulat bandang alas-4:30 ng hapon nang barilin ng suspek si Moran habang kausap nito ang dalawang empleyado sa loob ng opisina ng opisyal sa naturang munisipyo.
Inaalam pa ng pulisya habang isinusulat ito kung pulitika ang motibo ng salarin. Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at dibdib ang vice mayor. (Ed Casulla)