^

Probinsiya

Trader utas sa Cavite holdap

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isa na namang holdapan ang naganap sa Cavite kung saan napatay ang isang 57-anyos na negos­yante ng tatlong kalalaki­hang sakay ng motorsiklo ma­tapos mag-withdraw ng malaking halaga sa bangko ang biktima sa bayan ng Imus kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Ulysses Cruz, Imus police, ang biktimang si Francisco  Flores, may-ari ng isang glass and aluminum instal­lation business at residente ng Camella 3 Homes sa Bacoor, Cavite.

Ayon sa ulat, sakay si Flores ng kanyang Honda Civic (WAR-678) at bina­bag­tas ang kahabaan ng General Emilio Aguinaldo Highway sa Barangay Pa­lico, Imus, Cavite nang ha­rangin siya ng tatlong arma­dong kalalakihan bandang alas-9:45 ng umaga

Tinutukan ng baril ang biktima at hiningi ang kan­yang bag na may lamang P90,000, pero tumanggi ito na nagbunsod para barilin siya ng mga holdaper.

Matapos ang pama­maril, inagaw ang bag ng biktima bago  nagsitakas ang mga holdaper sakay ng motor­siklo patungo sa ’di-pa ma­ lamang direksyon.

Itinakbo si Flores sa Imus Medical Center pero namatay din ito habang gina­gamot sa tinamong apat na tama ng bala sa kanyang katawan.

 “Iisa ang modus ope­randi ng holdapan dito, aabangan nila ang mga customer ng bangko na nag-withdraw ng pera tapos susundan nila para hol­dapin” ani Cruz sa PSN.

Nagpahayag naman ng pagkabahala ang mga resi­dente ng Imus dahil na­ganap ang pangho­holdap ilang metro lang ang layo sa Camp Pan­taleon Garcia, ang pro­vincial headquarters ng PNP sa Cavite.

BARANGAY PA

CAMP PAN

CAVITE

GENERAL EMILIO AGUINALDO HIGHWAY

HONDA CIVIC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with