Mag-ina, biyenan piniko
CAVITE – Tinutugis na ng mga awtoridad ang isang 45-anyos na ama matapos paslangin ang kanyang buntis na misis, biyenang babae at isang anak habang nasa loob ng sariling bahay sa Barangay Biga, Tanza, Cavite noong Linggo ng gabi.
Kinilala ni P/Supt. Randolf Tuano, Tanza police chief, ang suspek na si Cecilio Mangalino, ice cream vendor matapos pikuhin at napatay nito ang asawang si Prulinda, 37; biyenang si Luz Madriaga, 50; at ang kanyang anak na si Carolina, 8.
Samantala, nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawa pang anak na babae na sina Cessilyn, 12; at Crizamae, 3, na kasalukuyang ginagamot sa General Emilio Aguinaldo Hospital sa Tanza, Cavite.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na nagtalo ang mag-asawang Cecilio at Prulinda sa hindi nabatid na dahilan bago maganap ang brutal na krimen.
Sa salaysay ng mga kapitbahay, matapos ang matinding sigawan ng mag-asawa ay sandaling umalis si Cecilio subalit pagbalik nito ay may dala-dala na itong piko pagpasok ng kanilang tahanan.
Ilang saglit pa, narinig na lang ng mga kapitbahay ang sigawan ng mga biktima at ang papalabas na suspek na may bahid ng dugo sa kanyang ka tawan.
May teorya ang pulisya na naburyong ang suspek dahil sa kalasingan kaya nagawang patayin ang sariling asawa’t anak.
- Latest
- Trending