CEBU – Sinibak na ng Supreme Court sa serbisyo ang isang babaeng kawani ng Tagbilaran City Regional Trial Court dahil sa pagnanakaw ng P1,223 cheke sa kapwa nito kasamahan sa trabaho saka ipinambili ng pagkain para sa kanyang pamilya.
Bukod sa pagkakasibak sa tungkulin ay ipinag-utos din ni Chief Justice Reynato Puno, na walang matatanggap na retirement benefits si Carina Divinagracia Lagura.
Nagdesisyon ang Mataas na Hukuman sa kaso kahit hindi napakinggan ang panig ng Lagura dahil tumatanggi itong magsumite ng counter-affidavit kahit ilang araw na pinagsusumite ng Office of the Court Administrator.
“Failure to answer the charges was deemed as an admission of guilt to the charges,” pahayag ng Supreme Court.
“It is an admission by silence which may be given in evidence against her pursuant to Section 32 of Rule 130 of the Revised Rules of Court,” dagdag pa sa desisyon ng Supreme Court.
Sa record ng Tagbilaran City Prosecutors’ Office, si Lagura ay nag-offer na magbibi tiw sa serbisyo kapag iniurong ang kasong kriminal laban sa kanya ni Lydia Faelden
Sa panig ni Puno, sinabi nito na ang lahat ng kawani ng judiciary ay kinakailangang maging modelo sa pagiging may integridad, morality at honesty.
“Like any public servant, Lagura must also show the highest sense of trustworthiness and rectitude in all her dealings, personal or public, to preserve the the court’s good name and standing as a true temple of justice, “ pahayag pa ni Puno. Rene U. Borromeo/RAE