Magka-live-in nilikida
CAVITE — Pinaniniwalaang onsehan sa bawal na gamot ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang magka-live-in sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sapa, Rosario, Cavite kamakalawa ng madaling-araw.
Tadtad ng bala at saksak ng patalim ang tumapos kina Gerald Prudente, 33 at Vilma Isagun. Sa impormasyong nakalap ni PO2 Dario Carangalan, lumilitaw na sangkot sa operasyon ng droga ang dalawa at posibleng paghihiganti ang naganap na pamamaslang.
Narekober ng pulisya sa katawan ng mga biktima ang ilang gamit sa bawal na gamot habang patuloy naman ang imbestigasyon. (Cristina Timbang)
- Latest
- Trending