9-anyos na babae ni-rape slay

BACOLOD CITY – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 9-anyos na babae na may ilang araw nang nawawala ma­karaang matagpuan no­ong Biyernes na naagnas na ang katawan nito sa masukal na taniman ng tubo sa Purok Tagong Paraiso, Barangay Ba­nago sa Bacolod City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Roselyn Elumba, grade 3, na pi­naniniwalaang hinalay muna bago sinaksak sa dibidb. Napag-alamang na­nga­ngalingasaw na ang bangkay ng biktima nang madiskubre ng ilang resi­dente sa naturang lugar na may 20 metro ang layo sa highway, ayon sa tala ng pulisya.

Ayon kay PO1 Donnie Garcia, lumilitaw na ipi­nagbigay-alam sa himpi­lan ng pulisya na ang biktima ay nawawala simula pa noong Lunes.  Napag-alamang huling namataang buhay ang biktima na kasama ng isang Gerry Douglas Pas­ tordo na nagpakilalang pinsan ng ama ng bata. (Toks Lopez/Danilo Garcia)

Show comments