^

Probinsiya

Txtmate ni misis kinatay ni mister

- Joy Cantos -

CAMP CRAME    Na­pa­aga ang salubong ni ka­matayan sa isang 18-anyos na binata na nakialam sa asawa ng iba makaraang pagsasaksakin ng mister ng huli sa na­ganap na karahasan sa Cagayan de Oro City kamakalawa.

Labing–anim na saksak sa katawan ang tumapos sa buhay ni Deo Galinada ng Barangay Lapasan ng nasabing lungsod.

Base sa report na naka­rating kahapon sa Camp Crame, naging kalaguyo ng biktima ang misis ng sus­pek na hindi isiniwalat ang pagki­kilanlan para pangala­gaan ang pangalan ng pamilya.

Napag-alamang nag-text ang biktima sa celfone ng kanyang kalaguyo na nag­kataon naman nasa labas ng kanilang bahay at na­basa ng kanyang mister ang text mes­sage na may kaugna­yan sa dalawa.

Bunga nito, ay pinagba­basa pa ng suspek na iti­nago sa pangalang “Ra­mon” ang iba pang text mes­sages ng kalaguyo ng kanyang misis at dito’y na­diskubre ang lihim na pag­tatagpo ng dalawa na lingid sa kanyang kaalaman.

Sinubukan namang mag-text ng nasabing mister na nagpanggap na ang misis nitong itinago sa pangalang Marissa sa biktima na tinugon naman ng huli na pumayag namang maki­pag­tagpo muli para ulitin ang kanilang pagtatalik.

Pinuntahan naman ng mister ang bahay ng bik­tima na napagkasunduan ng magkalaguyo kung saan walang kamalay-malay ang nasabing biktima sa naka­ambang panganib.

Sa loob ng bahay na pag­tatagpuan sana ng mag­kalaguyo ay sina­lubong ng suspek ng 16 saksak sa katawan ang biktima

Tugis naman ng pulisya ang suspek na tumakas matapos isagawa ang krimen.

vuukle comment

BARANGAY LAPASAN

BUNGA

CRAME

DEO GALINADA

ORO CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with