Cavite masaker: Mag-iina kinatay

CAVITE – Brutal na kamatayan ang naging wakas ng mag-iina ma­karaang pagtatagain ng nakaalitan ng live-in partner ng una sa bayan ng Indang, Cavite kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni PO1 Er­nesto Gayyed, ang mga biktimang sina Ellen Romerosa, 18; dala­wang anak na Angelyn, 2; at Marlyn isang taong gulang na pawang may apelyidong Orogo at residente ng Barangay Mahabang Kahoy, Bala­bag sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, nakiki­pag-inuman ang ka-live-in partner ni Romerosa na si Michael Orogo, 19, sa suspek na si Rey­naldo Rondina hang­gang sa magkainitan ang dalawa na nauwi sa suntukan.

Nang matalo sa sun­tukan si Rondina, ku­muha ito ng itak at hina­bol si Orogo pero naka­takbong papalayo at makapagtago sa ibang bahay. Ayon sa ilang na­ka­saksing kapit­bahay, pinagbantaan ni Ron­dina si Orogo na uubu­sin niya ang pamilya nito kapag hindi nagpakita.

Bandang alas-8:30 ng umaga kinabukasan nang bumalik sa bahay si Orogo at natagpuan na lang niyang patay na ang kanyang mag-iina matapos magtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kasalukuyang pi­nag­hahanap ng mga awtoridad si Rodina matapos tumakas nang maisagawa ang krimen.

Show comments