Ama napatay ng anak
Pormal na kinasuhan ng mga operatiba ng PCP2 sa pamumuno ni P/Senior Insp. Niel Montaño, ang suspek na si Ildefonzo Jr. y Paton-og, 28, binata habang namatay naman ang biktimang si Ildefonzo Villamor y Sabelino, 60, magsasaka at kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Nestor Sicsic, naganap ang insidente sa likurang bakuran ng bahay kung saan inawat ng suspek ang sariling amang lango sa alak at may hawak na baril.
Ayon sa suspek, inagaw niya ang baril sa ama para mapigilan itong manakit ng iba kaya nagpambuno ang mag-ama hanggang sa pumutok ang baril at tinamaan ng bala sa ibabang bahagi ng tenga na lumagos sa kaliwang ulo ng biktima.
Sa salaysay ng ilang kapitbahay, lumilitaw na kalimitang lango sa alak ang biktima at naghahamon ng away kahit walang dahilan. Pinag-iisipan pa ng pamilya ng mag-ama kung kakasuhan ang suspek na ngayon ay nakakulong sa PCP2. (Roberto C. Dejon)
- Latest
- Trending