CAMP CRAME – Limang minero ang napaulat na nasawi makaraang ma-trap sa gumuhong minahan sa Barangay Magsaysay sa bayan ng Placer, Surigao del Sur kamakalawa. Sa ulat ni Director Blanche Gobenciong, regional director ng Office of Civil Defense-CARAGA. Kabilang sa mga namatay na pawang nababalutan ng putik ay sina Diosdado Libroso, Malinci Macas at Rodolfo Toyor, habang ang dalawa ay nanatiling nasa ilalim ng tunnel na gumuho at patuloy ang retrieval operations.
Sinabi ng opisyal na ang pagguho ng minahan na pag-aari ng Manila Mining Corp ay bunsod ng patuloy na ulan simula pa noong Sabado. Kaugnay nito, pinag-iingat naman ang mga residente sa tinaguriang ‘landslide prone areas’ upang maiwasan ang panganib. (Joy Cantos)