‘Magnanakaw’ itinumba

ORMOC CITY – Pinaniniwalaang sangkot sa serye ng nakawan kaya binaril at napatay ang isang 45-anyos na lalaki habang ito ay naghahapunan kasama ang kanyang tatlong anak sa Barangay Patag, Ormoc City noong Biyernes ng gabi. Ayon kay PCP1 chief P/S Insp. Raymundo  Graveles, kinilala ang napatay na si Rogelio  Ponteres y Edano, isang sugarcane worker. Ayon kay PCP1 homicide chief SPO4 Rudy Sano, lumilitaw sa rekod ng pulisya na ang biktima ay maraming kagalit sa kanilang barangay dahil sa pagnanakaw. Ki­num­pirma naman ni Barangay Chairman Raul Formentera sa pulisya, na si Rogelio ay kilalang kawatan sa kani­lang barangay at posibleng paghihiganti ang naganap na pa­ma­maslang. Roberto C. Dejon

Show comments