CAVITE – Dahil lamang sa away sanhi ng tsismis ng mga misis, nag-pang-abot ang dalawang mister dahilan upang undayan ng saksak ang isa na kritikal ngayon sa Imus, Cavite kamakalawa ng gabi.
Dalawang tama ng saksak ang tumama sa puson ng biktimang si Noli Marquez, 34, residente ng DexterVille Legacy, Barangay Malagasang sa Imus.
Agad namang tumakas ang suspek na nakilalang si Alexander Gonsalez ng B-9 L-5 sa lugar ding nabanggit.
Sinugod umano ng suspek at sinaksak ang biktima sa bahay nito dahil sa sumbong ng kanyang asawa na kaalitan naman ng asawa ng biktima. (Cristina Timbang)