P20M kemikal ng shabu nasamsam
RIZAL – Umaabot sa P20 milyong ng kemikal sa paggawa ng shabu ang nasamsam ng pulisya makaraang salakayin ang malaking bodega na pag-aari ng isang Tsino sa Barangay San Jose sa bayan ng Rodriguez, Rizal.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Apollo Mantala ng Rodriguez Municipal Trial Court, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Rizal Mobile Group ang bodega na pag-aari ng isang Tsino na si Jhon Ang, 45, at kasosyo nitong Pinoy na si Alex Carolina Gozon, alyas “Erick Alarin” 35.
Nakumpiska mula sa bodega ang 20 kahon ng chemical, 20 kaldero, mga plastic container na kinalalagyan ng puting powder, rolyo ng hose, gasmask, 55 bote na kemikal, tools, timbangan na digital at ilang malalaking kalan na sinasabing gamit din sa paggawa ng shabu.
Nabatid pa na bago ang nasabing raid ay mahigit isang buwan ding sinubaybayan ng pulisya ang nasabing lugar at nang makumpirma na pagawaan nga ito ng shabu ay agad na nagsagawa ng
Tugis naman ng mga awtoridad ang dalawang suspek na nagmamantine ng bodega ng shabu. Edwin Balasa
- Latest
- Trending



















