^

Probinsiya

Life sa ex-police officer

-

MALOLOS CITY, Bulacan — Habam­bu­hay na pagkabilanggo ang inihatol ng maba­bang korte laban sa da­ting hepe ng Bulacan Crime Laboratory ma­karaang mapatunayang nagbenta ng bawal na droga noong Enero 2006 sa Barangay Sto. Rosario, Malolos City, Bulacan. Sa 39-pahi­nang desisyon ni Judge Albert R. Fonacier ng Malolos Regional Trial Court Branch 76, hina­tulan ng habambuhay na may kalapit pang 12-taong pagkabilanggo ang akusadong si Sa­muel Estrope y Tanghal. Bukod sa dalawang ha­tol ay pinagbabayad pa ang akusado ng P.8 milyon bilang multa sa nagawang krimen. Sa record ng korte, si Es­trope ay nadakip sa isi­nagawang drug-bust operation ng mga tau­han ng Provincial Drug Enforcement Group sa nabanggit na barangay na nagresulta para ma­kakumpiska ng 4.5 gra­mo ng shabu ang aku­sado ay natanggal sa serbisyo noong 2001 matapos masampahan ng kasong administra­tibo dahil sa pagkawala ng mga ebidensyang droga sa kanyang dating tanggapan na nasa kan­yang pag-iingat. Hindi pinanigan ng korte ang alibi ng akusado na frame-up lamang ang pagkakadakip sa kanya at planted ang shabu. Binalewala rin ng korte ang alibi ng akusado na sinaklolohan lamang niya ang isang Pipo Aldaba subalit hindi naman naiprisinta ito para tumestigo at ipag­tanggol siya. Dino Ba­labo

BARANGAY STO

BULACAN

BULACAN CRIME LABORATORY

DINO BA

DRUG ENFORCEMENT GROUP

JUDGE ALBERT R

MALOLOS REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

PIPO ALDABA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with