Barangay chairman itinumba

CAVITE  – Pinagba­baril hanggang sa ma­patay ang isang ba­rangay chairman ng mga ‘di-kilalang kalala­kihan na ikinasugat din ng tatlong kaga­wad nito sa naga­nap na paniba­gong karahasan sa Ba­rangay Fa­tima 1, Das­ma­riñas, Ca­vite ka­ma­kalawa ng gabi.

Napu­ru­han sa katawan ang biktimang si Ba­rangay Chairman Dan­te Felis­mino ng na­bang­git na ba­rangay habang su­gatan naman ang mga ba­rangay ka­ga­wad na sina Sa­tur­nino Bue­no­lirao, Re­na­to Sau­log at Anastacio Salar­da.

Ayon kay PO3 Edgar Bel­za, lu­militaw na nag­ku­kuwentuhan ang mga biktima sa harap mismo ng ba­rangay hall nang lumapit at ratratin ang mga bik­tima.

Napag-ala­mang nana­long ba­rangay chairman ang mi­sis ng biktimang na­sawi kung saan sinisilip ng pulisya ang ang­gu­long may ka­ug­nayan sa pu­litika ang krimen. (Cristina Timbang)

Show comments