3 bata nalunod

CAMP CRAME – Tatlong bata ang iniulat na nasawi makaraang malunod sa baybaying dagat na sakop ng bayan ng Sta. Cruz sa Occidental Mindoro, ayon sa ulat kahapon.

Kabilang sa mga bik­timang natag­puang na­kalutang sa dagat ay sina Vergel Esar, 6 at mag-utol na Mariel, 7 at Kimberly Panganiban, 8, na pa­wang naninirahan sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ng pulisya na  naka­rating sa Camp Crame, ang mga biktima ay na­lunod sa kasag­sagan ng bilangan ng boto ng mga kandidato kaugnay sa idinaraos na barangay at Sanggu­niang Kaba­taan elections.

Napag-alaman na ang mga ma­gulang ng tatlo ay kan­didato sa pagka-opisyal ng ba­rangay kung kaya’t hindi napansin ang mga bata sa dagat. Huling na­ma­taang buhay ang mga bata na naglalaro sa baybayin noong Lunes ng umaga. (Joy Cantos)

Show comments