^

Probinsiya

Suspek sa pastor’s slay sumuko

-

KIDAPAWAN  CITY – Isi­nam­pa na kahapon ang ka­song homicide laban sa sus­pek na si Ronnie Insing Arong, na iti­nuturong pangunahing puma­tay sa ministro ng Jesus is Lord Movement na si Martin Am­bong. Ayon sa ulat ng pulisya, si Arong na miyembro rin ng na­sa­bing religious group ay ikinanta ng ilang nakasaksi sa krimen. Sa resolution ng Kida­pawan City Prosecution Office na pirmado ni Prosecution Attorney Christine Jan Pueyo, may probable cause para isampa sa korte ang kasong homicide laban kay Arong na inaprubahan naman ni Prosecutor Al Calica. Sa tala ng pulisya, pinatay si Pastor Am­bong noong Huwe­bes ng gabi sa loob mismo ng ba­hay ng JIL sa Sitio Lapan, Ba­rangay Perez sa Kidapawan City. Nakita na lamang ang kan­yang bangkay noong Biyernes ng umaga na may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan. Bolun­taryo namang sumu­ko sa Kidapawan City PNP, ang suspek dalawang araw maka­raan ang pagpatay na pina­nini­walaang nakonsi­yensya sa gi­nawang krimen. Malu Cadelina Manar

ARONG

CITY PROSECUTION OFFICE

KIDAPAWAN CITY

LORD MOVEMENT

MALU CADELINA MANAR

MARTIN AM

PASTOR AM

PROSECUTION ATTORNEY CHRISTINE JAN PUEYO

PROSECUTOR AL CALICA

RONNIE INSING ARONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with