Pulis, aide ng mayor nagbarilan

KIDAPAWAN CITY – Kapwa sugatan ang isang pulis at aide ng mayor maka­raang magbarilan sa loob ng resto bar sa Barangay Sibsib sa bayan ng Tulunan, North Cotabato noong Huwebes nga gabi. Kinilala ng pulisya ang dalawang nagbarilan  na sina ex-T/Sgt. Boboy  Nece­sito, pamangkin at tumata­yong aide ni Mayor Lani Candolada at PO3 Renato Osorio, miyembro ng Provincial Police Mobile Group. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang in­sidente nang disarmahan ni Necesito si Osorio sa loob ng Zoom V resto bar. Dito nagalit si Osorio saka luma­bas para kunin ang M14rifle sa kanilang detachment na may ilang metro lamang ang layo sa resto bar. Napag-ala­mang kinausap ni Osorio si Nesecito na ibalik ang kanyang baril at sabay ipakita ng police ID subalit hindi siya pinansin hang­gang sa magbarilan ang dalawa. Isinugod sa Madonna General Hospital si Osorio, samantala, si Ne­secito na ex-Army ay dinala sa Davao City dahil sa tama ng bala sa dibdib. Malu Cadelina Manar

Show comments