^

Probinsiya

Kidnapper  nasakote

-

Nabitag ng pinag­sanib na mga elemento ng Police Anti-Crime Emergency Res­ ponse at Armed Forces of the Philippines–Joint Special Operations Group ang itinu­turing na isa sa most wan­ted kidnapper sa bansa na kasapi ng no­toryus na Waray-Waray kidnap-for-ransom gang sa operas­yon sa lalawigan ng Tarlac kamakalawa.

Sa press briefing sa Camp Crame,  iprinisinta ng mga opisyal sa pa­ngu­nguna nina PNP Deputy Chief for Operations P/Deputy Director Gen. Rey­naldo Varilla at Sr. Supt. Edgar Iglesia, Deputy Chief ng PACER ang suspek na si Ronaldo Rejuso, 48, magsasaka/driver  at  tu­bong Aruroy, Masbate at nani­nirahan sa Brgy. Ca­bugbugan, Sta. Ignacia, Tarlac.

Ang suspect ay may patong na P300,000 sa ulo at pang-11 sa most wanted  kidnapper na na­hulog sa  kamay ng batas.

Ayon kay Varilla, ang gru­po ni Rejuso ay akti­bong kumikilos sa Metro Manila at iba pang lalawi­gan sa Region 3 at Region 4 A.

Nabatid na si Rejuso ay nasakote ng mga awto­ ridad, dakong alas-10:30 ng umaga sa tahanan nito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Maria Nena Santos ng Regional Trial Court Branch 171 ng Va­lenzuela City kaugnay ng kasong murder at frustrated murder.

Sinabi ni Varilla na ang suspek ang responsable sa bigong kidnapping sa Choa brothers nasina Shermon at Sichuang noong nakalipas na Hulyo 12, 2005 sa La­wang Bato ng lungsod ng Valenzuela. Joy Cantos

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAMP CRAME

DEPUTY CHIEF

DEPUTY DIRECTOR GEN

EDGAR IGLESIA

JOINT SPECIAL OPERATIONS GROUP

JOY CANTOS

SHY

VARILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with