Ex-newsman nilikida

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Binaril at na­patay ang isang dating correspondent ng Manila broadsheet sa panibagong karahasan sa Barangay Cuyab sa bayan ng San Pedro, Laguna noong Sa­bado ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Jolly Dizon, San Pedro police chief, ang biktimang si Edward Pelayo, 40, ng Sam­pa­guita Homes, Barangay Sam­pa­guita sa nabanggit na bayan at ex-correspondent ng Today newspaper.

Lumitaw sa imbes­ti­ gas­yon, papauwi na si Pelayo ma­tapos dumalaw sa isang ka­ibigan nang lapitan at ba­rilin sa ulo habang sakay ng mo­torsiklo bandang alas-2:35 ng madaling-araw.

Naisugod pa sa Divine Mercy Hospital sa Mun­tinlupa City, ang biktima subalit idi­neklarang patay.

Sinisilip ng mga im­bes­tigador ng pulisya, ang ang­gulong may kaugnayan sa droga ang pagkaka­patay kay Pelayo matapos tumayo itong police asset at nag­bi­bigay ng impor­masyon laban sa mga drug pusher sa ka­nilang lugar.

Kinumpirma rin ni Lourdes “Chuchay” Fer­nandez, dating editor-in-chief ng Today, na nag­­­ trabaho si Pelayo sa na­sa­bing pahayagan at nag­ko­kober sa Southern Tagalog beat para sa Today bago ito na­kipag-merged sa Manila Standard. (Dagdag na ulat ni Ed Amoroso)

Show comments