^

Probinsiya

Misis, biyenan inatado ng mister

-

CAMP CRAME – Isang 24-anyos na balik­bayang overseas Filipino worker (OFW) na misis at matandang ina nito, ang iniulat na nasa kritikal na kalagayan matapos na pagsasaksakin ng mister nang tumangging maki­pag-sex ang una kama­ka­lawa ng gabi sa Pana­bo City, Davao del Norte.

Batay sa ulat, patuloy na isinasalba ang buhay ng mga biktimang itinago sa mga pangalang Lorna at Aling Linda na nag­tamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nakiusap ang pamilya ng mga biktima sa pulisya na huwag tu­kuyin ang kanilang mga pangalan dahilan sa ma­laking is­kandalo at kahi­hiyan sa kanilang lugar.

Sa imbestigasyon, na­ganap ang insidente pa­sado alas – 8 ng gabi sa tahanan ng mag-asa­wa sa Barangay Ma­duaw, Panabo City.

Ayon sa pulisya, du­ma­ting ang biktimang OFW noong Oktubre 15, mula sa Jordan kung saan nagtatrabaho ito bilang domestic helper.

Kamakalawa ng gabi ay  hiniling ng suspect  na itinago sa pangalang Al­berto sa pinananabi­kang asawa na  makipag­talik dito, pero ito’y ti­nang­gihan dahil nakikipag­kwentuhan pa ang bik­tima sa kan­yang ina na bumisita sa kanilang ta­hanan para kumustahin ang anak.

Dahil sa sobrang galit ni mister, kumuha ito ng kutsilyo at pinagsasaksak ang kanyang asawa kung saan ay idinamay pati ang kaniyang biyenang ba­bae. 

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang tumakas na suspek ha­bang patuloy ang imbes­tigasyon. Joy Cantos

vuukle comment

ALING LINDA

AYON

BARANGAY MA

BATAY

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with