^

Probinsiya

Landfill sa Cavite idineklarang ligtas

-

TRECE MARTIRES CITY, Cavite - Idineklarang ligtas ang proyektong sanitary landfill ng Cavite ma­tapos magpa­labas ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ang Department of Environment and Natural Resources sa En­vironsave, ang kompan­yang nangangasiwa sa pro­yekto.

Tiniyak naman ni Cavite Gob. Ayong Maliksi, na ang pro­­yekto ay dumaan sa masu­sing pag-aaral, ga­yundin ang lugar na pag­tatayuan at tek­nolohiyang gagamitin sa pagpapatakbo nito alinsunod sa itinakda ng Republic Act 2003 (Ecological Solid Waste Management Act).

Sinabi din ni Gov. Maliksi, na tanging basura ng tatlong lungsod at dalawampung bayan ang mapupunta sa landfill, taliwas sa alegasyon ng militanteng grupo na mga nakalalasong basura mula sa Japan ang itatapon dito.   

Ipinaliwanag ni Maliksi ang nilalaman ng ECC na nilag­daan noong ika-26 ng Set­yembre, 2007 ni Environmental Management Bureau RO No. IV – CALABARZON Re­gio­nal Director Allan L. Leuterio kung saan naka­saad na ang Sanitary Landfill ay may kakayahang mag­laman ng 800 metrikong tonelada ng non-toxic/non-hazardous residual wastes araw-araw.

Ang proyektong Sanitary Landfill at Materials Recovery Facility ay nakatakdang itayo sa 216,572 metro kwadradong lupain na nasa isang mala­yong quarry area sa Barangay Sapang I, Ternate. Ginaranti­yahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office at Regional Tourism Office, na ang naturang lugar ay hindi sakop ng idineklarang National Park, taliwas sa sinasabi ng mga militanteng grupo. Ayon naman sa ulat ng DENR Mines and Geosciences Bureau noong Peb­rero 14, 2006 at nilagdaan ni Regional Director Atty. Ansel­mo C. Abugan, ang lugar ay angkop sa proyektong sanitary landfill.   

Samantala, sinabi ni Engr. Rolino Pozas ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office na dapat maipaunawa sa mga mamamayan kung ano ang sanitary landfill at ang pag­kakaiba nito sa karaniwang tambakan ng basura upang maiwasan ang pangamba na ang itatayo sa Cavite ay tulad din ng ibang dumpsite sa Pilipinas. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

AYONG MALIKSI

BARANGAY SAPANG I

CAVITE

CAVITE GOB

PLACE

SANITARY LANDFILL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with