19 bayan isinailalim sa  ‘areas of immediate concern’

KIDAPAWAN CITY – Apat sa 19 na mga bayan sa North Cota­bato ang na isinailalim ng pulisya at military na ‘areas of immediate concern’ dahil sa na­lalapit na barangay at Sangguniang Kaba­taan elections sa Ok­tubre 29.

Kabilang ang mga bayan ng Midsayap at Pikit na naging sentro ng bakbakan ng tropa ng militar at ng re­beldeng Moro Islamic Liberation Front, ayon sa ulat ni P/Senior Supt. Lester Camba, police provincial director ng North Cotabato.

Kasama rin ang ba­yan ng Banisilan na naging sentro rin ng matinding bakbakan ng dalawang magkalabang angkan at maging ang bayan ng Makilala na itinuturing namang ‘highly-influenced’ ng mga rebeldeng New People’s Army.

Sa kabuuan, aabot naman sa 60 barangay ang isinailalim sa ‘areas of immediate concern’ habang 80 naman ang ‘areas of concern’.

Ipinaliwanag ni Cam­­ba na tinatawag na ‘areas of immediate concern’ ang mga lugar kung saan na­itala ang mararahas na insidente na may kaugnayan sa pulitika, kabilang ang pre­sen­siya ng mga armadong grupo.

Ang ‘areas of concern’ naman ay mga lugar kung saan  na-monitor ang presensiya ng mga armadong grupo pero wala pa namang mga election-related violent incident.  Malu Cadelina Manar

Show comments