19 bayan isinailalim sa ‘areas of immediate concern’
Kabilang ang mga bayan ng Midsayap at Pikit na naging sentro ng bakbakan ng tropa ng militar at ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front, ayon sa ulat ni P/Senior Supt. Lester Camba, police provincial director ng
Kasama rin ang bayan ng Banisilan na naging sentro rin ng matinding bakbakan ng dalawang magkalabang angkan at maging ang bayan ng Makilala na itinuturing namang ‘highly-influenced’ ng mga rebeldeng New People’s Army.
Sa kabuuan, aabot naman sa 60 barangay ang isinailalim sa ‘areas of immediate concern’ habang 80 naman ang ‘areas of concern’.
Ipinaliwanag ni Camba na tinatawag na ‘areas of immediate concern’ ang mga lugar kung saan naitala ang mararahas na insidente na may kaugnayan sa pulitika, kabilang ang presensiya ng mga armadong grupo.
Ang ‘areas of concern’ naman ay mga lugar kung saan na-monitor ang presensiya ng mga armadong grupo pero wala pa namang mga election-related violent incident. Malu Cadelina Manar
- Latest
- Trending