^

Probinsiya

Porsche na ipinuslit mula sa Subic Bay nasabat

-

OLONGAPO CITY — Na­sabat ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at mga pulis-Olongapo City ang isang luxury sports car na nag­kakahalaga ng P5 milyon ma­tapos ipuslit mula sa Subic Freeport kamakalawa ng ma­daling-araw.

Ayon sa ulat, ang pagkum­piska sa kulay itim na Porsche convertible sports car na may pekeng plakang ZHA-798 ay nasakote rin ang drayber na si Karlo L. Geneta, 19, ng #27 Han­del corner Verdi Ideal Subd., Fairview, Quezon City.

Nasabat ang nasabing puslit na sasakyan sa tinayong checkpoint sa kahabaan ng highway na sakop ng Brgy. Old Cabalan, Olongapo City.

Nang sitahin ng mga awto­ridad ay nagpakita naman ng mga dokumento si Geneta su­balit nang beripikahin ay pa­wang peke maging ang plaka na ikinabit.

Habang iniimbestigahan ng pulisya, inamin naman ng suspek na binigyan siya ng P1,500 para dalhin sa Maynila ang nasabing sasakyan na pag-aari ng dating opisyal ng Comelec.

Napag-alaman sa ulat na mula sa yarda ng Global (Subic) International Inc., sa loob ng Subic Freeport ang nasabing kotse na dumating noong Oktubre 5, 2007 mula sa USA.

Tugis naman ng mga awto­ridad ang dalawa pang SUV’s na ipinuslit mula sa Subic Bay Freeport Bay. Jeff Tombado

vuukle comment

GENETA

INTERNATIONAL INC

JEFF TOMBADO

KARLO L

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SHY

SUBIC FREEPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with