Magsasaka nakuryente sa sampayan

CAMP CRAME – Nangi­say at namatay ang isang 58-anyos na magsasaka maka­raang makuryente habang nagsasampay ng mga damit sa bakuran ng kanilang bahay sa Barangay Cari-Mayor sa bayan ng Leganes, Iloilo kahapon ng umaga.

Naisugod pa sa West Visayas  State University  Me­­dical Center, subalit na­matay din ang biktimang si Rolando Solicito, tiyuhin ng isang kapitan ng barangay at residente ng nabanggit na bayan.

Napag-alamang nagsa­sam­pay ng damit ang biktima nang hindi nito mamalayan na may nakalawit na talop na linya ng kuryente mula sa poste ang kaniyang naha­wakan.

Dahil dito ay agad na nag­kikisay ang biktima na nabigo na maisalba ng kan­yang mga kapitbahay.

Patuloy na  iniim­besti­gahan ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.  Joy Cantos

Show comments