Dyipni bumaligtad: 5 todas

KIDAPAWAN  CITY  — Lima-katao ang kumpirmadong namatay samantalang dalawamput anim iba pa ang nasugatan  makaraang bumaligtad at mahulog sa malalim na kanal ang isang pampasaherong jeepney sa bisinidad ng Sitio Kinabulingan, Barangay Salama sa bayan ng Banisilan, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga biktimang iniulat na nasawi ay sina Sarah Pintal, 59, teacher ng Salama Elementary School sa Banisilan; Phoebe Balquinto, 14; Annie Sapine, 35; Janil Paderna, 19, pawang naninirahan sa Libungan, North Cotabato; at si Alquin Dinmapo, 16, ng Poblacion, Banisilan. Nasa mga ospital sa bayan ng Wao, Lanao del Sur at Maramag, Bukidnon, ang mga sugatang biktima. Napag-alamang nawalan ng preno ang sasakyan (MVF-373) kaya kinabig ng drayber para gumilid sa kalsada subalit hindi nito nakaya at biglang bumaligtad bago nahulog sa malalim na kanal. Ayon kay P/Insp. Samuel Cadungon, hepe ng pulisya, tumakas naman ang drayber na si Raymund Pagalan, 35, ng Barangay Thailand, Basinilan matapos ang sakuna. Malu Cadelina Manar

Show comments