^

Probinsiya

Ina inutas sa palo ng anak

- Danilo Garcia -

CAMP CRAME — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 67-anyos na ina sa sariling anak na lalaki makaraang pagpa­pa­luin ng kahoy sa loob ng kanilang tahanan na iki­nasugat din ng kanyang utol na babae sa Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Nakilala ang biktima na si Filomena Ortiz Bacaling na nabiyak ang bao ng ulo dahil sa ma­tinding palo ng kahoy ha­bang ginagamot naman sa Vicente Sotto Me­morial Medical Center, ang anak nitong si Norima, 25.

Naaresto naman ng pulisya ang suspek na  si Mario Bacaling, 28, ma­tapos na humingi ng sak­lolo ang mga kapitbahay. 

Sa ulat ng pulisya, na­itala ang krimen noong Bi­yer­nes ng tanghali habang nananghalian ang mag-ina.

 Napag-alamang nag­talo ang mag-ina bago ang krimen kung saan inu­tusan na maglaba ng damit ang suspek na may kapansanan sa pag-iisip. 

Lumilitaw na lalong nagalit ang suspek nang mamataan niyang kuma­kain ang kanyang ina at kapatid na babae na hindi siya kasalo.

Kaya tinungo ng sus­pek ang hapag-kainan saka isinagawa ang kri­men habang natakot naman ang mga kapit­bahay ng pamilya Baca­ling na pasukin ang bahay dahil sa pag-aalalang armado ng itak hang­gang sa masukol ang lalaki.

Nabatid sa imbesti­gasyon na ginagamot ang suspek sa psychiatric ward ng VSMMC dahil sa kapansanan sa pag-iisip at dahil sa pakiusap ng ina ay nailabas naman si Mario kung saan hindi akalain na tatapusin ang buhay ng sariling ina.

 

vuukle comment

BACA

CEBU

FILOMENA ORTIZ BACALING

MARIO BACALING

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with