CAMP AGUINALDO — Umaabot sa 16,000 residente mula sa 14 barangay ang naapektuhan ng ashfall sa pinakahuling ash explosion ng Mt. Bulusan sa Sorsogon kamakalawa.
Base sa ulat na tinanggap ng Office of Civil Defense, siyam sa mga barangay ang nakaranas ng ashfall habang moderate naman ang limang iba pa.
Bunga nito ay inalerto na ni OCD Administrator Glenn Rabonza, ang mga opisyal sa lugar na patuloy na matyagan ang mga kaganapan sa muling pag-alburuto ng bulkang Bulusan.
Sa pinakahuling mo nitoring, aabot sa 37 volcanic earthquakes ang naitala sa loob ng 24-oras na nakaapekto sa mga residente.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na hindi sila nagpapabaya sa mga residente lalo na sa mga bata at matatanda na mayroong sakit na asthma na naapektuhan ng pagbagsak ng abo.
Isang walong taong gulang na bata ang una nang napaulat na inatake ng hika dahil sa ashfall.
Samantala, nagbabala naman ang Phivolcs sa pagkakaroon ng lahar sanhi ng malakas na pagbuhos ng ulan sa nasabing lalawi gan. Namahagi na rin ng mga mask ang mga opisyal sa mga residenteng apektado ng ashfall.
Sa kasalukuyan patuloy ang isinasagawang pagmomonitor ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa sitwasyon ng bulkang Bulusan. Joy Cantos