Anak isinama sa hukay

Pinaniniwalaang naglason muna ang isang 60-anyos na matandang babae bago nito pinainom ng nakalalasong kemikal ang kanyang  balda­dong anak na babae  upang mag­kasama sila sa hukay sa Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina Juanita Aguinaldo at ang anak nito na si Nora  Agui­naldo, 37, pawang residente ng Barangay Cabungaan ng naturang lungsod.

Ang bangkay ng mag-ina ay nadiskubre kamakalawa  sa kanilang tahanan ng isa nilang kamag-anak. Ayon naman sa pulisya, hindi pa malinaw  ang dahilan ng pagpapakamatay ng mag-ina pero, ayon sa mga ka­mag-anak ng biktima na­banggit ng matanda noong nabubuhay pa ito na hindi niya iiwang mag-isa ang kaniyang anak dahil  walang maga-alaga  rito.

Nagtataka naman ang mga kamag-anak ng mag-ina kung paano uminom ng kemikal si Nora dahil hindi ito masyadong nakakagalaw. (Joy Cantos)

Show comments