8 katao pinaslang sa  Abra

Papatindi pa ang insidente ng patayan matapos  na wa­long katao ang maitalang pi­natay  sa loob lamang ng anim na araw sa tatlong bayan sa Abra kung saan ang pang­huling biktima ay isang  kon­sehal na pinagbabaril  sa lalawigan kahapon ng umaga.

Kinilala ni  Abra Police Director Sr. Supt. Alexander Pu­­mecha ang panghuling biktima na si Nilo Sales, kon­sehal ng Bucay sa naturang lalawigan.

Ang pagpatay kay Sales ay kasunod ng paglikida sa isang babaeng clerk of court sa Bucay nitong nakalipas na Lunes kung saan ayon kay Pumecha ay iniimbestigahan nila ang posibleng koneksyon ng naturang mga krimen.

Sa unang salvo ng  ling­gong ito, isa katao ang pi­nag­babaril at napaslang sa bayan ng Bucay habang ang tatlong iba pa ay pinatay naman sa Abara, kapitolyo ng Bangued, Abra.

Sa rekord ng pulisya,  50 porsiyento ng mga krimen sa buong rehiyon ng Cordillera ay nagaganap sa Abra at ami­nado naman ang pulisya na talamak ang patayan sa lala­wigan. (Joy Cantos)

Show comments