^

Probinsiya

Pulis sinugod ni misis

- Joy Cantos -

Halos nabulabog ang Riverside Hospital sa Bacolod City kamakalawa nang ka­ ladkarin ng isang ginang pa­labas ng isang silid doon ang mister  nitong dating hepe ng Negros Occidental  Pro­vincial Police habang nanga­nganak ang kalaguyo nito sa naturang ospital.

Kinilala sa ulat ang lalaki na si Senior Superintendent Charles Calima na kasaluku­yang visiting dean ng College of Arts and Sciences ng West Negros College sa nasabing lungsod.

Natuklasan umano ng abogadang misis ni Calima na nagsilang ng batang babae ang kalaguyo nito kaya sinu­god niya ito sa Room 407 ng ospital.

Walang nagawa si Calima kundi sundin ang kanyang asawa at iwan ang kanyang nanganak  na kalaguyo dahil na rin  sa pananakot ng kan­yang misis na iiskandaluhin  siya nito, ipakukulong at sa­sampahan ng kasong con­cubinage sa piskalya ng lalawigan.

Mula sa naturang paga­mu­tan ay tumuloy ang mag-asawa sa  isang hotel sa Ba­colod City.

Tinangka umano ng ginang na humingi ng police assistance sa kanyang pag­tungo sa  ospital subalit pini­gilan siya ni Calima at sinak­tan pa umano siya nito.

Gayunman, nakahingi parin ng tulong ang ginang sa isang nagngangalang PO2 Alejano at Molato subalit nang makita nila ang kan­yang mister ay nginitian lamang nila ito.

“Kilala ang husband ko rito kaya walang mangahas umaresto sa kanya,” paha­yag ng ginang.

Tiniyak din ng ginang na magsasampa  siya ng  ka­song concubinage at adul­tery  laban sa pulis at sa kala­guyo nito.

Bagamat inamin din ng ginang na pangalawang asawa lamang siya ni Calima ay sinabi nitong may kara­patan siyang magsampa ng kaso dahil kasal sila ng opisyal bago pinakasalan nito ang kanyang umano’y kalaguyo noong Hulyo 22, 2007.  

CALIMA

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

NEGROS OCCIDENTAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with