Holdap: Mag-asawang trader dedo
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-asawang negosyante ng mga ’di-kilalang kalalakihan sa naganap na holdapan sa bisinidad ng Barangay San Antonio sa bayan ng Biñan, Laguna kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Supt. Edgardo De Leon, hepe ng Biñan police station, ang mag-asa wang biktima na sina Danilo De Guzman at Sheryl na kapwa 50-anyos at residente ng Casas Subd. sa nabanggit na barangay.
Base sa ulat ng pulisya, lumilitaw na bandang alas-7:15 ng gabi, pauwi na ang mag-asawang magkaangkas sa kulay pulang scooter nang harangin sila ng tatlong ‘di-kilalang kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Casas sa panulukan ng
Nang mapahinto ang mag-asawa, bigla na lang silang pinagbabaril ng dalawang gunmen bago kinuha ang handbag ni Sherlyn at tumakas sa ‘di-malamang direksyon.
Sinikap pang isalba ang mag-asawa sa
Kasong robbery ang inisyal na motibo ng pamamaslang sa mag-asawa subalit sinisilip ng pulisya ang ibang anggulo matapos makilala ng isang testigo ang mga bumaril sa dalawa, pahayag ni Col. De Leon sa PSN. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)
- Latest
- Trending