^

Probinsiya

Iligal rekruter nalambat

-

CAMP CRAME — Kalaboso ang binagsakan ng isang babae na pinaniniwalaang iligal rekruter makaraang masakote ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa bisinidad ng Don Juan Macaraeg National High School sa bayan ng Asingan, Pangasinan kamakalawa ng umaga. Sa ulat ni Marvin Bolabola, CIDG regional director, kinilala ang nasa­koteng suspect na si Rosalie Guerrero, 46, ng Barangay Toboy ng na­­bang­git na bayan. Ang suspect na nagmamay-ari ng karin­derya ay nasakote sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Antonio Carbonel ng San Fernando City Regional Trial Court Branch 27 sa La Union kaugnay ng kasong illegal re­cruit­ment at economic sabotage.Wala namang inireko­mendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Guerrero. Kaugnay nito, patuloy naman ang manhunt opera­tions ng mga awtoridad laban sa isa sa mga kasabwat ni Guerre­ro sa operasyon na si Elsie Busico matapos itong makata­kas. Nabatid na nagsipagtago ang mga suspect matapos maka­kolekta ng milyun-milyong halaga ng placement fees sa kanilang mga inosenteng biktima na umaasa ng trabaho sa ibang bansa. Joy Cantos

BARANGAY TOBOY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DON JUAN MACARAEG NATIONAL HIGH SCHOOL

ELSIE BUSICO

JOY CANTOS

JUDGE ANTONIO CARBONEL

LA UNION

MARVIN BOLABOLA

ROSALIE GUERRERO

SAN FERNANDO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with