^

Probinsiya

Sundalo nakipagbarilan sa pulis

-

PANGASINAN — Na­patay sa shootout ang isang sundalo ng Phil. Army mata­pos na makipagbarilan sa dalawang pulis sa harapan ng himpilan ng pulisya sa bayan ng Basista, Panga­sinan noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang napatay na si Rowel Macaraeg, 33, ng Barangay Obong ng na­bang­git na bayan, samanta­lang sugatan naman si SPO4 Oscar Agas na dinala sa Sto. Niño Hospital sa Poblacion, Bayambang.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, lumilitaw na nagbibisikleta si Macaraeg nang parahin at sitahin ng hepe ng pulisya na si P/Senior Insp. Haron Rasid Ali dahil sa may nakasukbit na baril ito sa baywang.

Hinanapan ng kaukulang papeles si Macaraeg kaug­nay sa bitbit na baril subalit sa hindi nabatid na dahilan ay binunot nito ang baril at pinagbabaril ang ilang pulis na nagresulta para tamaan at masugatan si SPO4 Agas.

Gumanti naman ng putok si P/Senior Insp. Ali at tina­maan si Macaraeg na naisu­god pa sa Bernal Hospital sa San Carlos City, subalit idi­neklarang patay. Nareko­ber ang baril ni Macaraeg kasama ang ilang magazine na may bala. Eva Visperas

vuukle comment

BARANGAY OBONG

BERNAL HOSPITAL

EVA VISPERAS

HARON RASID ALI

MACARAEG

OSCAR AGAS

ROWEL MACARAEG

SAN CARLOS

SENIOR INSP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with