7 ‘Budol Gang’ timbog

DINALUPIHAN, Bataan  – Pito-katao na pinanini­walaang miyembro ng notoryus na “Budol-Budol Gang” ang nasakote ng pulisya sa isinagawang operasyon sa pamilihang bayan ng Dinalupihan, Bataan kamakalawa ng umaga. Kasong robbery with violence and intimidation against person ang isinampang kaso laban sa mga suspek na sina Ariel Santiago, Nestor, Felix Cabasisi, Pedro Guillen, Teresita Cataluna, Arlene Reyes at Mary Ann Tala na pawang nakatira sa Barangay Patag, San Jose Del Monte Bulacan at Caloocan City. Ayon kay P/Senior Insp. Rogelio Rillion, hepe ng pulisya sa Dinalupihan, inaresto ang mga suspek sa reklamo ni Gregorio Kabiling, 71, ng Barangay Mabini Proper kung saan tinangkang tangayan ng mga alahas at malaking halaga sa loob ng L300 van na may plakang WED-330. Jonie Capalaran

Show comments