^

Probinsiya

30 bahay pinalis ng buhawi

-

SAN MIGUEL, Bulacan — Muling nanalasa ang isang buhawi sa silangang Bulacan kahapon ng umaga na sumira sa may 30 kaba­hayan, mga punongkahoy at pananim sa mga Barangay Cambio, Buga at Tinam­ba­ngan.

Ayon kay Rodolfo Santos, hepe ng Provincial Disaster Coordinating Office, walang iniulat na nasugatan sa pananalasa ng buhawi na ikaapat sa loob lamang ng 24 na araw sa Bulacan 

Matatandaan na noong Hulyo 30, sinagasaan ng buhawi ang bayan ng Bus­tos, pagkatapos ay ang bayan ng Baliuag kung saan ay halos 58 bahay ang na­sira.

Matapos ang isang linggo noong Agosto 7,  ang mga barangay Pinac-pinacan at Capihan sa San Rafael ang hinagupit ng buhawi kung saan ay isang lalaki ang tinangay, subalit iniluwa rin ng buhawi sa bukid.

Ayon kay Jun Dalida, tornado expert ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa), ang mga naitalang buhawi sa Bulacan ay mas mahina kum­para sa mga buhawing nananalasa sa Amerika.

Isa sa palatandaan na ma­aaring magkaroon ng buhawi ay kapag may maka­pal at maitim na ulap sa him­papawid na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Sinabi niya na isa sa da­hilan kung bakit madalas magkaroon ng buhawi sa Bulacan ay dahil na rin sa ang bansa ay nasa tropical maritime setting.

Iginiit pa ni Dalida na sa loob ng 10-taon, nakapag­tala ng  kabuuang 172 bu­hawi sa bansa kung saan ay pinaka­maraming insi­dente sa mga buwan ng Hulyo (31), Agosto (21) at Setyembre (27). Dino Balabo, Boy Cruz, Joy Cantos at Ric Sapnu

AGOSTO

AYON

BARANGAY CAMBIO

BOY CRUZ

BUHAWI

BULACAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with