^

Probinsiya

2 bayan sa Bulacan binaha

-

BOCAUE, Bulacan — Muling lumubog sa tubig baha ang bayan sa Bulacan kaya’t napilitang ilikas ang may 50 pamilya kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Provincial Disas­ter Coordinating Office, lumu­bog ang mga bayan ng Bocaue at Sta. Maria matapos na ma­puno ang ilog ng Sta Maria na nagmula sa mga ilog sa Lung­sod ng San Jose del Monte, Caloocan at Novaliches sa Quezon City

Ipinaliwanag din ng PDCO na hindi sa Ipo Dam nagmula ang tubig na umapaw sa mga bayan ng Sta. Maria at Bocaue kaya natigil ang daloy ng trapiko sa mga lansangan.

Ang Ipo Dam na unti-unting nagpadaloy ng tubig na uma­gos sa Angat River ay may kabuuang 174 cubic meters per second ng i-angat nito ang dalawang flood gate ng .50 meters dahil umabot sa 101.50 meters ang water elevation sa nasabing dam.

Kaugnay nito, ilang bahagi ng MacArthur Highway sa Malolos City, Meycauayan at Marilao ang pansamatalang hindi nadaanan ng mababa­bang sasakyan kahapon tulad ng kotse dahil sa pagtaas ng tubig baha sanhi ng mga baradong kanal. Dino Balabo

ANG IPO DAM

ANGAT RIVER

BOCAUE

BULACAN

COORDINATING OFFICE

DINO BALABO

IPO DAM

PROVINCIAL DISAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with