^

Probinsiya

11 ‘durugista’ nadakma

-

CAMP AGUINALDO – Labing-isang sibilyan na pinaniniwalaang durugista ang naaktuhan sa pot session sa Barangay Pagsawitan, Sta.Cruz, Laguna kamakalawa ng hapon. Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali nang salakayin ng mga tauhan ng pulis-Sta Cruz at Pagsanjan ang bahay ni Jeffrey Garin kung saan naak­tuhan ang mga suspek sa pot session. Kabilang sa mga suspek na pormal na kinasuhan ay sina Rolan  de Roxas, Angelo Magsino, Jun  Estilles, Michael Naceta, Ramil Ali Dondee Ramos, Meynard  Callado, Jaime  Arbo; Alvin Bautista, Charlie  Aynere at ang may-ari ng bahay na si Garin. Nasamsam sa mga suspek ang anim na pirasong plastic sachet na naglalaman ng puting pulbura na pinani­niwalaang shabu. (Joy Cantos )

2 minero todas sa tunnel

CAMP AGUINALDO — Dalawang minero ng pribadong kumpanya ng minahan ang kumpirmadong nasawi matapos ma-trap sa malakas na agos ng tubig baha sa loob ng tunnel na sakop ng Sitio Gueday, Taneg, Mankayan, Benguet, kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Ambrosio Calado, 46 at Denver Caligyo, 21, ng Kayan, Tadian, Mt. Province. Iniuwi na ng kaniyang pamilya ang bangkay ni Calado habang ang mga labi naman ni Caligyo ay dinala sa Sitio Gueday Multi-Purpose Hall habang hinihintay pa itong kunin ng kaniyang pamilya. (Joy Cantos)

Jueteng  sa Angeles patuloy

PAMPANGA — Patuloy pa rin ang operasyon ng jueteng sa Angeles City kahit mahigpit ang pagtutol ng Simbahang Katoliko at kampanya ni PNP chief Director General Oscar Calderon laban sa illegal na sugal. Sa halip na hulihin ng mga tauhan ni P/Supt. Sonny Cunanan, Angeles PNP chief, ang mga jueteng personnel at ipatigil ang jueteng operations ni Paris Tolentino na pinanini­wa­laang kaalyado ni Mayor Francis “Blueboy” Nepo­muceno, ay pilit na ginigipit  ng pulisya ang Small Town Lottery bet collectors at supervisors gayung legal ito at pinapatakbo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Dahil dito, kinasuhan ng mga STL bet collectors at cabos si P/Supt. Cunanan ng illegal arrest at abuse of authority sa Peoples Law Enforcement Board (PLEB) gayundin sa City Prosecutor’s Office habang sasampahan din ng kaso ng STL management ang ilang opisyal ng local na pama­halaan sa Office of the Ombudsman. “Gusto kasi nila yatang ipalit sa STL, ang jueteng operations kaya kaming legal na nagtatrabaho ang kanilang ginigipit pero hindi nila mapatigil ang jueteng,” pahayag ng isang STL bet collector. Nabatid na nagsimula ang jueteng operations na pinaniniwalaang may basbas din ni P/Chief Supt. Ismael Rafanan, region 3 PNP chief, nitong nakaraang Lunes kaya ginipit at inaresto ang mga tauhan ng STL na posibleng walang sagabal sa jueteng operations.

ALVIN BAUTISTA

AMBROSIO CALADO

JOY CANTOS

JUETENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with