^

Probinsiya

100-katao sa Rizal nagsilikas

-

CAMP AGUINALDO — Umaabot sa 100-katao mula sa isang barangay sa San Mateo, Rizal ang nagsilikas  kahapon sa mga evacuation center bunga ng landslide na epekto ng hagupit ng bag­yong “Egay”.

Sa ulat ng Office of Civil Defense, ang mga apekta­dong residente ay taga-Purok II sa bayan ng San Mateo.

Nabatid na  dahil sa pag­lambot ng lupa ay nagkaroon ng landslide sa nasabing lugar at upang maiwasan ang panganib ay pinalikas ang mga residente sa ligtas na lugar.

Samantala, ayon pa kay OCD Administrator Glenn Rabonza, hindi pa rin ma­dadaanan ang mga pangu­nahing lansangan sa Pam­panga at Aurora dahil sa pagbaha dulot ng bagyo.

Kabilang sa mga apek­tado ay ang bahagi ng Can­daba-San Miguel  Road sa Barangay Paralaya at Ma­ngum­bali sa bayan ng Can­daba, bahagi ng Baliuag-Candaba-Sta. Ana Road sa San Agustin, Paligui; pawang nasa Pampanga.

Sa lalawigan ng Aurora ay matindi rin ang pagbaha sa  bahagi naman ng Nueva Ecija-Aurora Road sa Baran­gay Villa sa Maria Aurora sa lalawigan ng Aurora kaya’t hindi rin ito madaanan ng anumang sasakyan. (Joy Cantos)

ADMINISTRATOR GLENN RABONZA

ANA ROAD

BARANGAY PARALAYA

CITY

JOY CANTOS

PLACE

SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with