^

Probinsiya

Sundalong binihag ng NPA, palalayain

-

KIDAPAWAN CITY – Palala­yain anumang araw mula ngayon ang sundalo na binihag ng mga rebeldeng New People’s Army noong Biyernes ng Agosto 10 sa Monkayo, Compostela Valley. Sa isang press statement na ipina­labas ng Alejandro Lanaja Command-Front 3 ng NPA-Southern Mindanao, ipinahayag ng kanilang spokesperson na si Aries Francisco na napatunayan ng kanilang grupo na walang dahilan para patawan ng parusang kamatayan si Pfc. Marjun Gatela ng 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army. Si Gatela ay binihag ng Alejandro Lanaja Command matapos ang ma­dugong pananambang na ikina­sawi ng tatlong militiamen noong August 10 sa may Sitio Kidapang, Barangay San Isidro sa bayan ng Monkayo, Compostela Valley. Ginawang prisoner-of-war (POW) ng NPA si Gatela at isina­ilalim sa Kangaroo court, subalit napatunayan na walang kasala­nan sa masa at sa kilusan si Gatela. Ang pagpapalaya kay Gatela ay gagawin sa darating na linggo at hindi sa tropa ng 72nd Infantry Battalion kundi sa misis niya at sa kanyang mga anak, pahayag pa ni Francisco.  Malu Cadelina Manar

ALEJANDRO LANAJA COMMAND

ALEJANDRO LANAJA COMMAND-FRONT

ARIES FRANCISCO

BARANGAY SAN ISIDRO

COMPOSTELA VALLEY

GATELA

INFANTRY BATTALION

MALU CADELINA MANAR

MARJUN GATELA

MONKAYO

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with